yeah...isang palaisipan para sa akin ang pagkawala ng N70 ko!!! ika-30 ng setyembre taong dalawang libo't walo, araw ng martes, isang hindi inaakalang pangyayari ang naganap..hindi ko inakalang mawawala ang n70 ko s araw na to..hindi ko man lang naramdaman o sadyang manhid lang ako?? nahulog? nadukot?..hindi ko alam!
pano nawala?..yun ang hindi ko lubos maisip..dahil kung dinukutan ako di sana may laslas o bukas man lng sana ung zipper ng bag ko..pero hindi e, nakasarado padin pagtingin ko..hindi ko naman nahulog, dahil kung nahulog sana, di sana man lang naramdaman ko yun pagkabagsak sa sahig o kung san man.. bago nawala yun nagamit ko pang pantext at sure akong nailagay ko yun sa bag ko after..
hayyy...sadyang henyo lang talaga siguro yung mandurukot?.kya wala man lng ako naramdaman at sinarado ulit yun zipper pagkakuha..nakakalungkot na basta ganun ganun nalang nawawala ang minamahal kong telepono...pinag ipunan ko yun!!.
dugo't pawis ang puhunan...hahahaha(grabe!!! exagerated)
pero kahit ganun ang nangyari nagpapasalamat padin ako dahil hindi ako napahamak..god is good padin..
sabi nga nila pag may nawala, may darating na kapalit na mas maganda.. may dahilan siguro kung bakit nawala yun..
nakakamiss lang ang n70 ko!! dahil matagal nadin sa akin yun.. pero tanggap ko ng wala na talaga.. at ang tanging magagawa ko nalang ay maging masaya nalang para dun sa nakakuha..siguro mas kelangan niya yun kesa sa akin...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
naks!that's the spirit of my friend!
welcome to the blogger world!..hehehe
link kita fren!
Post a Comment